1.Tamang
nutrisyon ( Good nutrition )
Bawasan
ang pagkain ng karne at mga produktong gawa sa gatas. Palakasin ang inyong
immune system sa pamamagitan ng pagkain ng 5 uri ng sariwang prutas at mga
gulay bawat araw, upang ang iyong dugo ay maging "alkaline" at hindi
"acidic" na siyang karaniwang taglay ng taong sakitin. Kung susundin
ito nang tama, ikaw ay makakaiwas sa ano mang sakit lalo na sa sakit na kanser.
Ang mga pagkaing mayaman sa "alkaline" ay ang mga prutas tulad ng
watermelon, mango, papaya at mga gulay tulad ng broccoli, cabbage, cauliflower,
lettuce, potato na may balat, squash, eggplant, okra, tomato at egg yolk na
di-gaanong luto.
Mga
pagkain at inuming mayaman sa acido ay kinabibilangan ng carbonated soft
drinks, artificial sweeteners, cakes at pastries, beef, lamb,chicken,beer,wine
at liquor, banana ketchup, mayonnaise, mga pagkaing gawa sa gatas, nilagang
itlog, table salt (refined or iodized).
Iwasan o
bawasan ang pagkain ng mga pagkaing hindi natural na nakikita sa kalikasan, sa
kadahilanang ito ay nagtataglay ng toxin na unti-unting lumalason sa ating
katawan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: coffee, sweetened drinks, candies,
smoked, cured or pickled foods, meat, raw animal food, dairy products, fatty
foods, alcohol, spreads, artificial sweeteners, saturated fats at vegetable
oils.
Ang mga
pagkaing panlaban sa sakit na kanser ay ang mga sumusunod: Karot,kalabasa at
kamote ay ang may pinakamaraming taglay na beta-carotene, na mas
madaling ma-absorbed ng ating katawan kapag ito ay luto. Ang pinaka-mabisang
panlaban sa sakit na mayaman sa fiber at may mababang taglay na calorie ay ang cantaloupe,
papaya at spinach. Ang Cabbage, broccoli, bok choy, cauliflower,
radish, horseradish, celery at mga sprouts tulad ng mung bean, soybean,
lentil, alfalfa, broccoli at brussels ay mayaman sa anti-cancer
antioxidants at nakatutulong upang maiwasan ang sakit na colorectal, stomach
cancer at tumors. Ang Tuna, salmon, sardines at mackerel ay
mayaman sa Omega-3 fatty acids, na may magandang epekto sa puso at nakatutulong
ng malaki upang tanggalin ang mga nakabara sa arteries. Ang Wheat bran, corn
bran, rice bran at oat bran ay mayaman sa fiber na nagbibigay ng
proteksiyon laban sa carcinogens. Ang soybeans at mga produktong gawa sa
soya ay mayaman sa phytochemicals na mabisang panlaban sa kanser.
2.Pagkatunaw ng kinain ( proper digestion )
Nguyaing
mabuti ang pagkain (at least 21 mastication) bago lunukin ito, upang mas
madaling matunaw ito sa loob ng ating katawan. Ang pagnguya ay maraming
idudulot na kabutihan sa mga gumagawa nito: ang pagnguya nang mabuti ay
nakatutulong upang mahalong mabuti ang pagkain at digestive juice sa bibig. Sa
kadahilanang ang pagkain ay pre-digested na bago dumating ito sa tiyan, ito ay
madaling matutunaw at hindi na mahihirapan pa ang ating tiyan. Iwasan ang
pagkaing pinirito o inihaw na sobra ang pagkakaluto. Bukod sa ito ay mahirap
tunawin at wala nang nutrients, ito ay nagtataglay na ng toxin na makakasama sa
ating kalusugan. Ang pagkain ng sariwa at half-cooked na pagkain ay ang
pinaka-mabuting gawin, bukod sa ito ay nagtataglay ng mas maraming nutrients,
ito rin ay madaling tunawin at mas madaling ma-absorbed ang nutrients na taglay
nito sa ating katawan.
3.Sirkulasyon
ng dugo ( blood circulation )
Ang
pag-ehersisyo ay nakatutulong nang malaki sa pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo
ng ating katawan. Pinadadami nito ang pagkunsumo ng mas maraming oxygen na
nakakabuti sa kalusugan ng ating katawan at pag-iisip. Sa pamamagitan ng
ehersisyo, ang katawan ay nag-release ng epinephrine at norepinephrine, mga
neurotransmitters na nakatutulong upang tayo ay maging alerto at magkakaroon ng
malinaw at tamang pag-iisip.
Ang ating
dugo ang siyang nagbibigay ng oxygen at pagkain para sa mga cells at tissues sa
loob ng ating katawan, na kinakailangan sa paglaki at pag-repair nito. Ito rin
ang kumukuha ng carbon dioxide at nag-aalis ng mga dumi galing sa mga cells at
tissues sa loob ng ating katawan. Ang pagkakaroon ng mabuting sirkulasyon ng
dugo ng isang tao ay nangangahulugan ng mas efficient na pag-kolekta ng dumi at
mas maraming supply ng nutrients para sa mga cells at tissues sa loob ng
katawan ng tao. Ito ay daan upang magkaroon ng malusog at ligtas sa mga sakit
na pangangatawan.
Tayo ay
kumukunsumo ng calories sa tuwing tayo ay mag-ehersisyo. Ito ay nagpapalaki ng
muscle at nakatutulong upang tayo ay maging sexy at malusog. Mga 1/3 ng ating
populasyon ay sobra sa timbang o overweight. Isa sa limang katao ang bukod sa sobra sa timbang ay maituturing na
obese o mataba. Ang taong sobra ang timbang ay pinaniniwalaang madaling dapuan ng
maraming sakit tulad ng sakit sa puso, diyabetes, kanser sa suso, uterus, colon
at kidney, paglaki ng prostate, pagkabaog, sakit sa bato, at marami pang iba.
4.Tamang
pagdumi ( Good waste disposal )
Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Ito ay nakakalinis
ng inyong intestine at nakatutulong upang labanan ang pagkakaroon ng mataas na
level ng kolesterol sa inyong katawan. Ang mga pagkaing mayaman sa fiber
ay ang mga sumusunod: cantaloupe, papaya,spinach, wheat bran, corn bran,
rice bran at oat bran. Napaka-importante na uminom ng walo hanggang
sampung 8 ounce na baso ng tubig (preferably distilled water) araw-araw upang
maiwasan ang dehydration. Ang pagkunsumo ng maraming pagkaing mayaman sa fiber
ay walang epekto sa pagtaas ng iyong timbang, sa halip, mababawasan pa nga ito
dahil sa pag-konti ng pagkunsumo ng normal na pagkain. Ang pagkain ng fiber
food ay magreresulta sa iyong pagdumi ng 2 - 3 beses bawat araw. Sa oras na
mangyari ito, huwag mabahala, ito ay hindi pagtatae, kundi ang mabilisang paglilinis
at pag-aalis ng mga toxin sa loob ng iyong katawan.
5.Tamang
pahinga ( Good Relaxation )
Ang stress
ay nagiging dahilan ng mabilis na pagdami ng "free radicals"
sa loob ng katawan ng tao. Ito rin ay nagiging dahilan ng pagkaubos ng ilang
nutrients na nagbibigay ng masamang epekto sa ating katawan. Isang halimbawa ay
ang zinc, ito ay nauubos sa oras na tayo ay under stress, na isa sa
pinaniniwalaang dahilan ng pagkalugon ng buhok ng mga taong nakakalbo.
Labanan
ang stress sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip at pag-iwas sa
sobrang pag-aalala. Mag-relax, maligo sa hot tub, maglakad sa beach o kaya ay
sa park, magbasa ng magandang babasahin, bumisita sa mga kaibigan, makipaglaro
sa alagang aso, makinig ng music at manood ng masayang panoorin, magpamasahe,
facial o haircut. Maglaan ng 30 minuto bawat araw sa mga bagay na gustong
gawin. Umiwas sa mga taong mahirap pakisamahan.
PAGKAING
ORGANIC ( Organic Food )
Kung
posible, kumain ng orgamic food. Ang isang prutas o gulay ay maituturing organic
kung ito ay inalagaan nang hindi gumagamit ng pesticides. Ang isang karne ay
maituturing na organic, kung ang pagkain ng alagang hayop ay hindi hindi
ginamitan ng pesticides, kahit na ito ay nabigyan ng antibiotic at hormone
injections. Ang produktong organic ay nagtataglay ng mas maraming nutrients
kumpara sa inorganic, dahil ang pesticides ay nakakapatay ng ilang nutrients.
Kahit na higit na mas mahal ang organic, maituturing pa rin na economical ang
pagbili nito, dahil sa taglay nitong nutrients na doble kumpara sa inorganic.
Ayon sa
National Cancer Society, ang pesticides ay pangatlo sa may pinakamaraming sanhi
o kaso ng kanser sa buong mundo. Karamihan sa mga apektado nito ay mga dayuhang
nagtatrabaho bilang taga-ani ng grapes, na ginagamitan ng pesticides na
namumula sa eroplano. Maaari rin itong makuha sa pagkain ng prutas na
kontaminado nito. Ang paghuhugas ng prutas at gulay ay hindi sapat upang maalis
ang lahat ng pesticides, dahil ang mga ito ay porous at marami pang natitira sa
loob nito.
CLEANSING
DIET / HEALING DIET
Ang
clensing diet o healing diet ay hindi lamang pangontra sa kanser, mabisang
panlaban din ito sa sakit na diyabetes, hika, gout na dulot ng pagkakaroon ng
mataas na uric acid, rayuma, pananakit ng katawan, altapresyon o mataas na presyon
ng dugo, sakit sa puso, allergies, atbp. Nakatutulong ito nang malaki upang
ma-detoxify o tanggalin ang mga toxin sa ating katawan, nang sa gayon ay lubos
na gumaling at tuluyan nang mawala ang sintomas at pasakit na dulot ng mga
sakit na nabanggit. Ang cleansing diet ay para sa mga taong may malusog na
pangangatawan at nais lamang na makaiwas sa sakit, samantalang ang healing diet
ay para sa mga taong may karamdaman at gustong gumaling ito. Makabubuting
isagawa ang cleansing diet isang beses bawat linggo, samantalang ang healing
diet ay tatagal ng dalawang linggo hanggang isang buwan.
Bilang
panimula o preparasyon, isagawa ang cleansing diet o healing diet sa
pamamagitan ng pag-inom ng 1 litro ng tubig bago matulog sa gabi at kumain ng
isang uri ng prutas. Kinabukasan, kumain lamang ng isang serving ng prutas
tulad ng mansanas, saging, pineapple, watermelon, cantaloupe o mga hilaw na
gulay tulad ng karot, singkamas sticks, celery stalks, spinach at cucumber na
hindi ginagamitan ng dip o dressing. Tatagal ang pagkain ng purong prutas at
gulay sa loob ng dalawang linngo hanggang isang buwan para sa healing diet.
Kung gusto mo, pwede mo itong kainin nang tulad ng sa salad na walang dressing
o kaya ay bilang fruit at vegetable juices.
Sa
cleansing o healing diet, ikaw ay kakain ng anim hanggang siyam na beses, dahil
makalipas lamang ang dalawang oras, ikaw ay makakaramdam ng gutom. Sa mga diet
ding ito, mas mabuti ang kumain ng maraming beses na tig-iisang serving ng
prutas kaysa kumain ng tatlong beses na maramihan. Mapapadalas din ang paggamit
mo ng banyo upang magbawas (2 - 3 beses sa isang araw). Ito ay dahilan sa ang
mga toxin sa loob ng iyong katawan ay inaalis sa pinaka-mabilis na pamamaraan.
Makabubuti rin ang pag-inom ng walo (8) hanggang sampu (10) 8 ounce na baso ng
tubig (preferably distilled drinking water) bawat araw, upang maiwasan ang
dehydration.
Sa
pagtatapos ng inyong healing diet, makalipas ang dalawang linggo o isang buwan,
makabubuting kumain muna ng lugaw o oatmeal o samporado (rice porridge na may
tsokolate), bilang preparasyong sa pagkain ng solid food. Ito ay upang hindi
mabigla ang inyong tiyan sa pag-tunaw (digestion) ng mga solid food.
Babala:
Makakaramdam ka ng pagiging irritable, pagkahilo, di-makatulog at paglabas ng
pimples sa iyong mukha. Lahat ng mga ito ay panandalian lamang at makalipas ang
isang buwan, ang mga ito ay mawawala rin.
Ang
mabuting kalusugan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng tamang kabatiran. Ang mga
tips na pangkalusugang ito ay makatutulong nang malaki sa ikabubuti ng ating
pangkalahatang kalusugan, lalo na kung gagamitin o isasagawa nang tama. Best
Wishes!!!
Kung hindi
mapigilan o hindi maiwasan ang pagkain o kaya ay hindi mo kayang isagawa ang
healing diet, may alternatibo at mas mabilis na paraan ng maiwasan natin
magkasakit,
kung may
Nararamdaman na kayong ganitong sakit sa puso,almuranas o hemorrhoids,
altapresyon o high blood pressure, diyabetes o diabetes, bukol o cyst, kanser o
cancer, tumor, rayuma ,mayoma,hika,liver,colon,prostate,at iba pang sakit.
BABALA: WATCH
WHAT YOU EAT!!!
Walang tao na hindi magkasakit!!!!
Kayo po ay aking inaanyayahang sa pamamagitan ng pag
>>Click Here To Watch The Free Video,Ito ay naglalaman ng healing food na mayaman sa antioxidants na
makakatulong upang labanan ang mga sakit na nabanggit.
Contact>>09298334808>0322602483
Your
Friend,
Melchor
Maneja