Thursday, January 14, 2016

5 SIKRITO NG PAMPABATA AT PAG-IWAS SA SAKIT


1.Tamang nutrisyon ( Good nutrition )

Bawasan ang pagkain ng karne at mga produktong gawa sa gatas. Palakasin ang inyong immune system sa pamamagitan ng pagkain ng 5 uri ng sariwang prutas at mga gulay bawat araw, upang ang iyong dugo ay maging "alkaline" at hindi "acidic" na siyang karaniwang taglay ng taong sakitin. Kung susundin ito nang tama, ikaw ay makakaiwas sa ano mang sakit lalo na sa sakit na kanser. Ang mga pagkaing mayaman sa "alkaline" ay ang mga prutas tulad ng watermelon, mango, papaya at mga gulay tulad ng broccoli, cabbage, cauliflower, lettuce, potato na may balat, squash, eggplant, okra, tomato at egg yolk na di-gaanong luto.

Mga pagkain at inuming mayaman sa acido ay kinabibilangan ng carbonated soft drinks, artificial sweeteners, cakes at pastries, beef, lamb,chicken,beer,wine at liquor, banana ketchup, mayonnaise, mga pagkaing gawa sa gatas, nilagang itlog, table salt (refined or iodized).

Iwasan o bawasan ang pagkain ng mga pagkaing hindi natural na nakikita sa kalikasan, sa kadahilanang ito ay nagtataglay ng toxin na unti-unting lumalason sa ating katawan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: coffee, sweetened drinks, candies, smoked, cured or pickled foods, meat, raw animal food, dairy products, fatty foods, alcohol, spreads, artificial sweeteners, saturated fats at vegetable oils.

Ang mga pagkaing panlaban sa sakit na kanser ay ang mga sumusunod: Karot,kalabasa at kamote ay ang may pinakamaraming taglay na beta-carotene, na mas madaling ma-absorbed ng ating katawan kapag ito ay luto. Ang pinaka-mabisang panlaban sa sakit na mayaman sa fiber at may mababang taglay na calorie ay ang cantaloupe, papaya at spinach. Ang Cabbage, broccoli, bok choy, cauliflower, radish, horseradish, celery at mga sprouts tulad ng mung bean, soybean, lentil, alfalfa, broccoli at brussels ay mayaman sa anti-cancer antioxidants at nakatutulong upang maiwasan ang sakit na colorectal, stomach cancer at tumors. Ang Tuna, salmon, sardines at mackerel ay mayaman sa Omega-3 fatty acids, na may magandang epekto sa puso at nakatutulong ng malaki upang tanggalin ang mga nakabara sa arteries. Ang Wheat bran, corn bran, rice bran at oat bran ay mayaman sa fiber na nagbibigay ng proteksiyon laban sa carcinogens. Ang soybeans at mga produktong gawa sa soya ay mayaman sa phytochemicals na mabisang panlaban sa kanser.

2.Pagkatunaw ng kinain ( proper digestion )
Nguyaing mabuti ang pagkain (at least 21 mastication) bago lunukin ito, upang mas madaling matunaw ito sa loob ng ating katawan. Ang pagnguya ay maraming idudulot na kabutihan sa mga gumagawa nito: ang pagnguya nang mabuti ay nakatutulong upang mahalong mabuti ang pagkain at digestive juice sa bibig. Sa kadahilanang ang pagkain ay pre-digested na bago dumating ito sa tiyan, ito ay madaling matutunaw at hindi na mahihirapan pa ang ating tiyan. Iwasan ang pagkaing pinirito o inihaw na sobra ang pagkakaluto. Bukod sa ito ay mahirap tunawin at wala nang nutrients, ito ay nagtataglay na ng toxin na makakasama sa ating kalusugan. Ang pagkain ng sariwa at half-cooked na pagkain ay ang pinaka-mabuting gawin, bukod sa ito ay nagtataglay ng mas maraming nutrients, ito rin ay madaling tunawin at mas madaling ma-absorbed ang nutrients na taglay nito sa ating katawan.

3.Sirkulasyon ng dugo ( blood circulation )
Ang pag-ehersisyo ay nakatutulong nang malaki sa pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo ng ating katawan. Pinadadami nito ang pagkunsumo ng mas maraming oxygen na nakakabuti sa kalusugan ng ating katawan at pag-iisip. Sa pamamagitan ng ehersisyo, ang katawan ay nag-release ng epinephrine at norepinephrine, mga neurotransmitters na nakatutulong upang tayo ay maging alerto at magkakaroon ng malinaw at tamang pag-iisip.
Ang ating dugo ang siyang nagbibigay ng oxygen at pagkain para sa mga cells at tissues sa loob ng ating katawan, na kinakailangan sa paglaki at pag-repair nito. Ito rin ang kumukuha ng carbon dioxide at nag-aalis ng mga dumi galing sa mga cells at tissues sa loob ng ating katawan. Ang pagkakaroon ng mabuting sirkulasyon ng dugo ng isang tao ay nangangahulugan ng mas efficient na pag-kolekta ng dumi at mas maraming supply ng nutrients para sa mga cells at tissues sa loob ng katawan ng tao. Ito ay daan upang magkaroon ng malusog at ligtas sa mga sakit na pangangatawan.
Tayo ay kumukunsumo ng calories sa tuwing tayo ay mag-ehersisyo. Ito ay nagpapalaki ng muscle at nakatutulong upang tayo ay maging sexy at malusog. Mga 1/3 ng ating populasyon ay sobra sa timbang o overweight. Isa sa limang katao ang bukod sa sobra sa timbang ay maituturing na obese o mataba. Ang taong sobra ang timbang ay pinaniniwalaang madaling dapuan ng maraming sakit tulad ng sakit sa puso, diyabetes, kanser sa suso, uterus, colon at kidney, paglaki ng prostate, pagkabaog, sakit sa bato, at marami pang iba.

4.Tamang pagdumi ( Good waste disposal )
Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Ito ay nakakalinis ng inyong intestine at nakatutulong upang labanan ang pagkakaroon ng mataas na level ng kolesterol sa inyong katawan. Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay ang mga sumusunod: cantaloupe, papaya,spinach, wheat bran, corn bran, rice bran at oat bran. Napaka-importante na uminom ng walo hanggang sampung 8 ounce na baso ng tubig (preferably distilled water) araw-araw upang maiwasan ang dehydration. Ang pagkunsumo ng maraming pagkaing mayaman sa fiber ay walang epekto sa pagtaas ng iyong timbang, sa halip, mababawasan pa nga ito dahil sa pag-konti ng pagkunsumo ng normal na pagkain. Ang pagkain ng fiber food ay magreresulta sa iyong pagdumi ng 2 - 3 beses bawat araw. Sa oras na mangyari ito, huwag mabahala, ito ay hindi pagtatae, kundi ang mabilisang paglilinis at pag-aalis ng mga toxin sa loob ng iyong katawan.

5.Tamang pahinga ( Good Relaxation )
Ang stress ay nagiging dahilan ng mabilis na pagdami ng "free radicals" sa loob ng katawan ng tao. Ito rin ay nagiging dahilan ng pagkaubos ng ilang nutrients na nagbibigay ng masamang epekto sa ating katawan. Isang halimbawa ay ang zinc, ito ay nauubos sa oras na tayo ay under stress, na isa sa pinaniniwalaang dahilan ng pagkalugon ng buhok ng mga taong nakakalbo.
Labanan ang stress sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip at pag-iwas sa sobrang pag-aalala. Mag-relax, maligo sa hot tub, maglakad sa beach o kaya ay sa park, magbasa ng magandang babasahin, bumisita sa mga kaibigan, makipaglaro sa alagang aso, makinig ng music at manood ng masayang panoorin, magpamasahe, facial o haircut. Maglaan ng 30 minuto bawat araw sa mga bagay na gustong gawin. Umiwas sa mga taong mahirap pakisamahan.

PAGKAING ORGANIC ( Organic Food )
Kung posible, kumain ng orgamic food. Ang isang prutas o gulay ay maituturing organic kung ito ay inalagaan nang hindi gumagamit ng pesticides. Ang isang karne ay maituturing na organic, kung ang pagkain ng alagang hayop ay hindi hindi ginamitan ng pesticides, kahit na ito ay nabigyan ng antibiotic at hormone injections. Ang produktong organic ay nagtataglay ng mas maraming nutrients kumpara sa inorganic, dahil ang pesticides ay nakakapatay ng ilang nutrients. Kahit na higit na mas mahal ang organic, maituturing pa rin na economical ang pagbili nito, dahil sa taglay nitong nutrients na doble kumpara sa inorganic.
Ayon sa National Cancer Society, ang pesticides ay pangatlo sa may pinakamaraming sanhi o kaso ng kanser sa buong mundo. Karamihan sa mga apektado nito ay mga dayuhang nagtatrabaho bilang taga-ani ng grapes, na ginagamitan ng pesticides na namumula sa eroplano. Maaari rin itong makuha sa pagkain ng prutas na kontaminado nito. Ang paghuhugas ng prutas at gulay ay hindi sapat upang maalis ang lahat ng pesticides, dahil ang mga ito ay porous at marami pang natitira sa loob nito.

CLEANSING DIET / HEALING DIET
Ang clensing diet o healing diet ay hindi lamang pangontra sa kanser, mabisang panlaban din ito sa sakit na diyabetes, hika, gout na dulot ng pagkakaroon ng mataas na uric acid, rayuma, pananakit ng katawan, altapresyon o mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, allergies, atbp. Nakatutulong ito nang malaki upang ma-detoxify o tanggalin ang mga toxin sa ating katawan, nang sa gayon ay lubos na gumaling at tuluyan nang mawala ang sintomas at pasakit na dulot ng mga sakit na nabanggit. Ang cleansing diet ay para sa mga taong may malusog na pangangatawan at nais lamang na makaiwas sa sakit, samantalang ang healing diet ay para sa mga taong may karamdaman at gustong gumaling ito. Makabubuting isagawa ang cleansing diet isang beses bawat linggo, samantalang ang healing diet ay tatagal ng dalawang linggo hanggang isang buwan.

Bilang panimula o preparasyon, isagawa ang cleansing diet o healing diet sa pamamagitan ng pag-inom ng 1 litro ng tubig bago matulog sa gabi at kumain ng isang uri ng prutas. Kinabukasan, kumain lamang ng isang serving ng prutas tulad ng mansanas, saging, pineapple, watermelon, cantaloupe o mga hilaw na gulay tulad ng karot, singkamas sticks, celery stalks, spinach at cucumber na hindi ginagamitan ng dip o dressing. Tatagal ang pagkain ng purong prutas at gulay sa loob ng dalawang linngo hanggang isang buwan para sa healing diet. Kung gusto mo, pwede mo itong kainin nang tulad ng sa salad na walang dressing o kaya ay bilang fruit at vegetable juices.

Sa cleansing o healing diet, ikaw ay kakain ng anim hanggang siyam na beses, dahil makalipas lamang ang dalawang oras, ikaw ay makakaramdam ng gutom. Sa mga diet ding ito, mas mabuti ang kumain ng maraming beses na tig-iisang serving ng prutas kaysa kumain ng tatlong beses na maramihan. Mapapadalas din ang paggamit mo ng banyo upang magbawas (2 - 3 beses sa isang araw). Ito ay dahilan sa ang mga toxin sa loob ng iyong katawan ay inaalis sa pinaka-mabilis na pamamaraan. Makabubuti rin ang pag-inom ng walo (8) hanggang sampu (10) 8 ounce na baso ng tubig (preferably distilled drinking water) bawat araw, upang maiwasan ang dehydration.
Sa pagtatapos ng inyong healing diet, makalipas ang dalawang linggo o isang buwan, makabubuting kumain muna ng lugaw o oatmeal o samporado (rice porridge na may tsokolate), bilang preparasyong sa pagkain ng solid food. Ito ay upang hindi mabigla ang inyong tiyan sa pag-tunaw (digestion) ng mga solid food.

Babala: Makakaramdam ka ng pagiging irritable, pagkahilo, di-makatulog at paglabas ng pimples sa iyong mukha. Lahat ng mga ito ay panandalian lamang at makalipas ang isang buwan, ang mga ito ay mawawala rin.
Ang mabuting kalusugan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng tamang kabatiran. Ang mga tips na pangkalusugang ito ay makatutulong nang malaki sa ikabubuti ng ating pangkalahatang kalusugan, lalo na kung gagamitin o isasagawa nang tama. Best Wishes!!!

Kung hindi mapigilan o hindi maiwasan ang pagkain o kaya ay hindi mo kayang isagawa ang healing diet, may alternatibo at mas mabilis na paraan ng maiwasan natin magkasakit,
kung may Nararamdaman na kayong ganitong sakit sa puso,almuranas o hemorrhoids, altapresyon o high blood pressure, diyabetes o diabetes, bukol o cyst, kanser o cancer, tumor, rayuma ,mayoma,hika,liver,colon,prostate,at iba pang sakit.

BABALA: WATCH WHAT YOU EAT!!!

Walang tao na hindi magkasakit!!!!

Kayo po ay aking inaanyayahang sa pamamagitan ng pag >>Click Here To Watch The Free Video,Ito ay naglalaman ng healing food na mayaman sa antioxidants na makakatulong upang labanan ang mga sakit na nabanggit.
Contact>>09298334808>0322602483

Your Friend,

Melchor Maneja

1 comment:

  1. Classic, Long, Thick Thick Sledgehammer-Daft, Chrome - TITUNIA
    Stainless steel teeth allow you to keep the hammer on ti89 titanium calculator the end to the blade and soothe the tension. A sturdy safety razor with a trex titanium headphones long, straight bar makes your  Rating: 3.9 · ‎6 reviews · titanium ingot ‎£52.99 · titanium wheels ‎In stock titanium pickaxe terraria

    ReplyDelete