( DENGUE FEVER)
Lagnat ng Dengue (Dengue Fever) Sanhi Ang lagnat ng
dengue (dengue fever) ay isang impeksiyon na sanhi ng isang virus na dinadala ng mga lamok.
Ang sakit na ito
ay nakikita sa mga tropikal na rehiyon sa mundo katulad ng sa mga bansa sa
Timog Silangang Asya.
.
Mga Sintomas
Ang mga sintomas
ng lagnat ng dengue (dengue fever) ay ang pagkakaroon ng biglaang pagtaas ng
lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, sakit ng laman at
kasu-kasuan, kawalan ng ganang kumain, pagduduwal at pamamantal sa balat.
Ang mga bata ay
maaaring kakitaan lamang ng sinat at pamamantal.
Ang pagdurugo
(dengue hemorrhagic fever) ay isang malala at nakakamatay na komplikasyon ng
lagnat ng dengue (dengue fever).
Sa simula,
nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal mula dalawa hanggang pitong araw
at maaaring umabot hanggang sa 40-41 sentigrado ang taas ng temperatura,
pamumula ng mukha at ilan pang mga sintomas ng dengue fever.
Kapag lumaon,
maaari itong masundan ng pagdurugo katulad ng mga pasa sa balat, pagdurugo sa
ilong at gilagid o kaya ay pagdurugo sa loob ng katawan.
Sa higit na
malalang mga kaso, maaaring umabot ito sa pagbagsak ng sirkulasyon ng dugo,
pagkaubos ng dugo at pagkamatay.
Kapag ang isang
tao ay nagkaroon na ng impeksiyon mula sa isa sa apat na klase ng virus ng
dengue, hindi na ito muli pang maiimpeksiyon nito. Ngunit, hindi pa rin siya
ligtas sa impeksiyon mula sa tatlo pang ibang klase ng virus na dengue.
Paraan ng Pagkalat
ng Impeksiyon Ang lagnat ng dengue (dengue fever) ay naipapasa sa tao sa
pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes na siyang nagdadala ng virus na
dengue.
Hindi ito naipapasa mula sa isang tao papunta sa ibang tao.
Hindi ito naipapasa mula sa isang tao papunta sa ibang tao.
Ang pangunahing klase ng lamok na nagdadala ng
dengue, ang Aedes aegypti, ay hindi matatagpuan sa Hong Kong ngunit ang Aedes
albopictus na makikita rito ay maaari ding magdala ng sakit na ito.
Panahon ng pamumuo ng impeksiyon Ang panahon
ng pamumuo ng impeksiyon ay tumatagal ng tatlo hanggang labing-apat na araw,
kadalasang mula apat hanggang pitong araw.
Paggamot Walang tukoy na gamot para sa lagnat
ng dengue (dengue fever) o sa lagnat ng dengue na may pagdurugo (dengue
hemorrhagic fever). Ang lagnat ng
dengue (dengue fever) ay karaniwang gumagaling nang kusa. Nilalapatan lamang ng
lunas ang lagnat at pananakit na dulot nito.
Ang mga pasyenteng may pagdurugo (dengue
haemorrhagic fever) ay nangangailangan ng maagap na paggamot. Ang
pinakamahalaga sa paggagamot nito ay ang pagpapanatili ng sapat na daloy ng
dugo sa katawan.
Kung may tama at
maagap na paggagamot, kulang sa 1% lamang ang namamatay mula sa sakit na ito.
Pag-iwas Sa kasalukuyan, wala pang bakuna laban sa lagnat ng dengue (dengue fever). Kung kaya, ang pinakamahusay na paraan upang ito ay mapuksa ay ang pagtatapon ng mga nakaimbak na tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok. Dapat ding iwasan ang makagat ng lamok.
Pag-iwas Sa kasalukuyan, wala pang bakuna laban sa lagnat ng dengue (dengue fever). Kung kaya, ang pinakamahusay na paraan upang ito ay mapuksa ay ang pagtatapon ng mga nakaimbak na tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok. Dapat ding iwasan ang makagat ng lamok.
Mga Pamamaraan ng Pag-Iwas sa Sakit na Dulot
ng mga Lamok
1. Magsuot ng mga damit na may mahabang manggas at
pantalon. Maglagay ng pamahid laban sa lamok na naglalaman ng DEET sa mga
bahagi ng katawan na hindi nababalutan o natatakpan.
2. Gumamit ng
kulambo o screen sa mga kuwartong walang aircon.
3. Maglagay ng
katol / pamatay ng lamok malapit sa pasukan, tulad ng mga bintana upang
maiwasan ang kagat ng lamok.
4. Iwasan ang
pag-iimbak ng tubig - Itapon ang lahat ng basyong lata at bote sa basurahang
may takip. - Palitan ang tubig sa halaman nang higit sa isang beses sa loob ng
isang lingo.
Huwag mag-iwan ng
tubig sa mga plato sa ilalim ng paso ng halaman.
- Takpan ng
mahigpit ang lahat ng sisidlan ng tubig, balon at tangke.
- Tiyaking walang bara sa daluyan ng tubig.
- Tabunan ang mga lubak sa lupa upang di pag-ipunan ng
tubig, Kapag may napansin kang bagay sa mga pampublikong lugar na maaaring
pamahayan ng lamok.maari mong itawag sa barangay para sa information.
Kung may Kakilala kayong nagka dengue or kaanak,kaibigan,wag kayong mag-alala meron kaming natuklasan na pang gamot.
ITO ang GOOD NEWS>>Meron kaming natuklasan na panglunas ng dengue.
paki fill up lang po sa bandang kanan,dito mo ma discover how to destroy dengue.
or contact>>>09298334808.2602483
for more info visit my FACEBOOK PAGE
Click Now Discover how to destroy your Dengue
Your Friend,
Melchor Maneja
Kung may Kakilala kayong nagka dengue or kaanak,kaibigan,wag kayong mag-alala meron kaming natuklasan na pang gamot.
ITO ang GOOD NEWS>>Meron kaming natuklasan na panglunas ng dengue.
paki fill up lang po sa bandang kanan,dito mo ma discover how to destroy dengue.
or contact>>>09298334808.2602483
for more info visit my FACEBOOK PAGE
Click Now Discover how to destroy your Dengue
Your Friend,
Melchor Maneja
No comments:
Post a Comment